Wika ang pinakamahalagang sangkap at ugnayan sa pakikipagkapwa-tao.Nang dahil sa wika tayo ay malayang makakapagsalamuha sa mga tao sa ating paligid.Naipadarama natin ang ating sidhi ng damdamin at mga layunin o mga salita na gusto nating iparating sa ibang tao.Dahil sa wika tayo napagbuklod buklod sa iisang komunidad.Tayo ay naging iisa sa iisang grupo.Sa iisang linguistikong komunidad maaring may iisang uri ng wika ang ginagamit lamang at sa multikultural na komunidad ay may hihigit sa dalawa na uri ng wika ang mga ginagamit ng mga tao.
Sosyolek-ay isang uri ng wika na nililikha at ginagamit ng isang pangkat o uring panlipunan.Isang halimbawa nito ang jejemon na pinauso at ginamit ng isang sangay ng lipunan natin na nakaugat sa kulturang popular ng kabataang gumagamit ng text messaging sa kanilang komunikasyon.
Halimbawa:
https://www.google.com/search?q=kris+tv+show&client=ms-android-vivo&prmd=vni&sxsrf=ACYBGNSxyPvLhaHT2aMvzF5lf0mNrQ5Lvw:1570159438827&source=lnms&tbm=vid&sa=X&ved=0ahUKEwiY6N3c04HlAhXPFogKHV3OCc0Q_AUIGCgB&cshid=1570159486334&biw=360&bih=630&dpr=2
Diyalekto-ay isang uri ng wika na nababago,nagbabago,o naging natatangi dahil ginagamit ito ng mga taong nasa ibang rehiyon o lokasyon.Halimbawa nito ang tagalog na nanganak ng uri o barayti tulad ng Tagalog -Batangas ,Tagalog-Cavite,Tagalog-Maynila at iba pa.
Rehistro-mga wika na ginagamit sa mga taong may propesyon.Halimbawa ang mga pananalita ng isang doktor,inhinyero,abogado at iba pang mga experto sa ibat-ibang larangan.
Mga salik ng Linguistikong Komunidad
1.May kaisahan sa paggamit ng wika at naibabahagi ito sa iba
2.Nakakapagbahagi at malay ang kasapi sa tuntunin ng wika at interpretasyon nito
3.May.kaisahan sa pagpapahalaga at palagay hinggil sa gamit ng wika.
Halimbawa ng multikultural na interaksyon
1. Organisasyonal
2. Pambansa
3. Rehiyonal
4. Internasyonal
Mga natutunan namin base sa kabanatang ito ay kung paano kahalaga ang paggamit ng wika.Paano makikiisa at makipag ugnayan at makisalamuha sa ating paligid.Hindi dahilan ang pagiging iba natin sa ibang tao basta tayo ay nagkakaunawaan at nakakapag gawa ng interaksyon sa kanila malayong maitatag natin ang isang masayang komunidad at mapayapa.
Created by: Jamaica Sabanal
Christelle Anne Babon
11-STEM-1P PROVIDENCE
No comments:
Post a Comment